Friday, January 25, 2013

ENGAGED

mula kay Bash Antonnei
First day of class para pumasok na ako sa kolehiyo. Awkward nga kasi walang masyadong kakilala. Habang naghihintay sa teacher, nakikinig ako sa mga maiingay na kwentuhan ng mga kakalase ko. Inoobserbahan ko din ang mga trip nila. Ang iba sa kanila ay magkakaibigan na nung high school pa. Uso pa nun ang F4 at may apat na magkakaibigan na parang F4 nga ang dating. Si Han ay isang matalino, masipag na mag-aaral at guwapo. Kilala ko na ang isa sa kanila, at siya si Jad na magaling sumayaw, matinik sa mga chicks at maganda ang mata niya ha. Tahimik at mabait na tao naman si Joe. Siya ang nakikita kong seryoso na tao. Si Ben naman ang pinakamagaling sa klase kahit introvert ang personality niya.

Ako po pala si Bash isang beki, di ako nagdadamit babae, pero ang bag ko kulay pink na
Hello Kitty at manang daw ako sabi ni Ashley na kaibigan ko. Nagka-crush ako kay Han nung una ko siyang nakita. Alam mo yung mag smile pa lang siya matutunaw ka na. Tingin pa lang niya mabibihag ka na. Napaisip tuloy ako na sana babae na lang ako para akitin ko na lang siya. Sa History class namin nag-iingay na naman ang grupo, tawanan, kulitan at asaran ang mga pinaggagawa ng F4 namin. Syempre tahimik na naman ako baka ako mapagtripan nila. Nagulat na lang ako nung tanungin ako ni Han kung bakit daw pinili ko ang kursong Engineering at sagot ko naman ay gusto ko magtrabaho sa ibang bansa at  ma challenge ako sa Math subjects. At dun nag-umpisa na nagkaroon ako ng lakas ng loob na kausapin siya.

Competitive sa klase si Han at siya ang source ng mga assignments namin. At dahil sa crush ko siya hindi ako nangongopya sa kanya, dalagang Filipina eh. Ilang linggo din ang dumaan at napansin niya na iniiwasan ko siya. Sa kakaiwas ko sa kanya nalaman niya tuloy na may gusto ako siya. Mabait naman pala siya. Wala namang nagbago nung nalaman na niya pero ang nabago lang ay parati na akong tintukso ng mga kakalase ko. Hindi ko naman pinapatulan ang mga pangungulit nila at ng F4. Naging Shan Chai ng Meteor Garden lang tuloy ang peg ko sa mga oras na yun. Nakikisabay na nga lang si Han sa mga panunukso nila. Minsan hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa sa mga pinaggagawa niya. Minsan naaabutan niya akong nakatingin sa kanya tapos biglang kindat na lang ang isusukli niya sa mga nakaw na tingin ko. Naging magkaibigan na kami ni Han pero naiisip ko kung pumapatol ba siya sa isang beking tulad ko.

Malapit na ang Engineering College Week naging abala kami para sa mga gagawing paghahanda para sa buong linggo. May nakilala akong isang beki din, si Jay at alam niyang gusto ko si Han. Napapansin kong panay ang lapit niya kay Han. Ang sarap niyang batukan, at sapakin kasi feeling niya girl friend siya. Hindi ko alam kung iniinis niya ba ako o sinasadya niya lang gawin yun. May gusto si Jay kay Han. Very expressive si Jay na hindi ko naman kayang gawin ang ginagawa niya kay Han. Masaya naman ang pagtatapos ng college week. Nanalo kami sa mga iba’t ibang contests. Quiz Bee ang sinalihan ni Han at sa Oratorical Contest naman ako isinalang and we both brought home the trophies and medals.

Papalapit na ang semestral break at hindi ko na makikita si Han. Busy na din kami sa signing of clearance and submission of school requirements. Napapansin ko na wala si Han. May inabot na sulat si Joe sa akin na galing kay Han. Nalungkot ako sa sinabi niya sa sulat. 

Dear Bash,
Thank you for everything. I am sorry for I did not say goodbye to you personally because my mom invited me to go to Malaysia. I don't know if I could still continue my education in the Philippines. My dad is already working here and our family decided to stay here for good. 
Medyo tahimik ka nga Bash pero dama ko kung gaano ako ka importante sa iyo. Isa na din sa mga dahilan kung bakit ako kailangan umalis ay dahil sa engaged na ako kay Ann at baka dun na kami ikakasal. Nabuntis ko siya Bash, ewan ko ba ang dami pa kasi sanang gusto kong gawin sa buhay ko pero nangyari na at kailangan ko ng panindigan to. 
Paalam kaibigan ko. 
Han :'(

Bakit kaya ganun ang laman ng sulat ni Han? Meron kayang namumuong relasyon sa kanila na naudlot lang? 








No comments:

Post a Comment

thanks for your feedback :)) admin