Friday, January 18, 2013

BALISONG

mula kay Bough Dee
       Akala ko kumpleto na ako. Minsan kasi nasabi ko sa sarili ko, sana may kasama akong inspirasyon sa bawat paglalakbay ko para may makausap, makakwentuhan at makaharutan man lang. he..he..he.. May mga nakilala naman akong mangingibig pero hindi kami nagtagal dahil sa meron kaming mga rason kung bakit kailangang maghiwalay. Isa sa mga hindi ko makalimutang lugar ay ang Batangas. Pumunta kaming magbabarkada para makita at maikot man lang ang magandang probinsiya. Naalala ko si Rufert pala ay taga Batangas kaya tinext ko si JM para hingin ang number niya para naman makita at makilala ko siya ng personal. Matagal na kaming nag-uusap sa chat ni Rufert. Mabait, minsan naman malambing,  makulit, at minsan hindi ko maintindihan ang ugali niya. XD!          

Biglang nagreply sa text ko, ang kulit sabi ko nga, lol!. Nakakatuwa ang unang pagkikita namin. Unexpected kasi, nagkatinginan at nagkawayan kami habang nasa taas siya ng jeep at ako naman nasa taas ng bus. Nakilala ko agad siya dahil sa hilig niya magcam sa blog. Ay bitin sabi ko. Nung sinabi nyang masama ang pakiramdam niya sabi ko sayang wala akong tour guide kasi hindi ko din alam ang pasikot sikot ng siyudad. Kinabukasan nagtext xa na pinayagan siya umalis ng bahay para mag-attend ng exhibit sa school. Luluwas na sana kami ng Manila sa araw na 'yon pero nung sinabi niyang magkikita kami nagpaiwan ako at pinauna ko na ang mga barkada ko. Habang hinihintay ko siya, pumunta ako ng palengke para bumili ng balisong para sa pasalubong ko. Marami akong mga text na natanggap mula sa kanya na humihingi ng sorry kasi baka matatagalan siya  at hindi makarating sa meeting place namin sa tamang oras. Syempre sinulit ko ang oras ng paghihintay. Pumunta na muna ako ng salon para magpagupit at magpaguwapo. First impression lasts, ika nga. Nagbasa ako ng libro sa isang bookstore para habang hinihintay ko siya may ginagawa ako. Ayun, tumunog na cel phone ko at nagtext na siya na nasa labas na nga siya ng mall. Oh, hi, I am Bough and you're Rufert right? Inimbitahan ko siya sa isang restaurant para kumain at dun na nagkwentuhan. Masaya ang usapan namin kasi nagkapalagayan na kami ng loob. Ang dami niyang kwento, habang nakikinig ako pinagmamasdan ko ang mga kilay niya. Kilay kasi ang tawag ko sa kanya sa site. May hitsura naman siya, matino namang kausap, may sense of humor at marespeto. To our surprise, lumapit si Kim at sabay sabi "Ma'am, Sir can i have your orders? Bigla kaming nagkatinginan at napaisip kung sino ang tinutukoy na Ma'am sa aming dalawa. lol! 

Kalahating oras ng kwentuhan, tawanan at kulitan habang nag la-lunch kami. Naku, alas dose na at kailangan ko ng mag check out sa hotel. Sinamahan niya ako sa hotel para kunin ang mga naiwan kong gamit. Pumasok kami sa room, pero uunahan ko na kayo wala pong nangyari sa amin. Kasi walang yayaan na nangyari at alam mo yung may hiyaan moments sa isa't isa. Pinakita ko na lang ang balisong na binili ko para magpaturo kung paano ito gamitin. Ayun, tinuruan talaga ako kung paano gamitin at bigla naman ako natakot nung nagbiro xa na parang sinaniban. Napaisip tuloy ako, hala baka di na ako makauwi ng Manila nito. Nagcheck out na nga ako sa hotel at naghintay ng jeep papuntang terminal. Panay ang kurot ko sa kanya hindi niya lang alam na may ibig sabihin ang kurot na yun. That means I like him. Napaka accommodating na tao si Rufert kasi hinatid niya ako hanggang sa nakasakay na ako ng bus. At nagpaalam na din siya para umuwi na siya sa kanila. 

Nagtext ako sa kanya ng pasasalamat kahit sa saglit na pagkikita namin napadama niya sa akin ang isang mabuting kaibigan kahit sa chat lang kami nagkakausap. May huling hirit ako sa text, sabi ko sa kanya nagpaalam ka wala man lang goodbye kiss? 

....sa text na yan nag-umpisa ang masayang kwento naming dalawa. 


No comments:

Post a Comment

thanks for your feedback :)) admin