Dahil sa mga kulitan namin sa text dun nag-umpisa ang pagiging close namin sa isa't isa. Pauwi na ako ng Maynila. Habang nasa bus ako, nagkukulitan parin kami sa text ni Rufert. Paulit-ulit kong sinasabi na sana hindi na lang ako nag tooth brush para nahalikan niya ako. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya sa mga text niya o totoo talaga yun. Sana daw nung pumasok kami sa kwarto ng hotel napansin ko na ni lock niya ang pinto. Naghahanap pa siya ng CR sa kuwarto at sabi niya sana na gets ko na yun. Sayang may bath tub pa naman dun at pwede kami gumawa ng shower scene.
Nakauwi na ako ng Zamboanga City. Balik kami sa chat, skype, blog at texts para magkulitan at magharutan. Iba ang gusto ni Rufert sa chatroom. Kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na para ligawan siya. Marami din kasi nanliligaw sa kanya. At meron din siyang nililigawan. Hindi ko alam kung pasok ba ako sa puso niya o isa lang sa mga waiting list niya. Ang daming mga drama ni Rufert minsan hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso. Habang nag-uusap kami sa chatroom biglang bumanat ito ng pick up line.
Nasa Batangas ka ba?
Oo, nandito ako sa Nasugbo po.
Pick up line yan.
ah, Bakit?
Kasi hinahanapan kita ng mali, ALA EH.
Banatan ng pick up lines ang ginawa namin sa room. Sa mga banat ko sa kanya nagpapahiwatig na ako ng nararamdaman ko para sa kanya. Kaso parang biruan lang ata para sa kanya.
Merong nanliligaw sa akin na isang BI taga Cebu. Muntik na kami maging magkasintahan ni Prince pero nagkaroon ng isang gabi nagkaroon ng komprotasyon. Kala ko biruan na naman kasi seryoso ako sa pagsasabi ng nararamdaman ko sa kanya. Sabi niya hindi ko daw siya hinintay pero para sa akin wala naman akong hihintayin kasi iba ang gusto niya.
Sa haba haba ng usapan namin napasagot ko na si Rufert. Naging kami nung January 7, 2013 @ 10:48 PM after nung December 14, 2012 na first eye ball namin. Simula nung naging kami na ni Rufert dun ko nakilala kung gaano siya katamis magmahal. Super sweet na tao si Rufert. Nag-isip kami kung ano ang tawagan namin sa isa't isa. KILAY - PUWET, CORNY - MAIS pero mas napili namin ang Mahal kasi mas romantic at masarap pakinggan.
Hanggang sa mga araw na ito wala naman kaming naging malalang awayan, tampuhan at alitan. Tiwala, pag-uunawa at constant communication ang naging susi ng masayang samahan namin di lang bilang magsyota kundi bilang mag best friend.
No comments:
Post a Comment
thanks for your feedback :)) admin